Sunday, July 21, 2013

naglinis dahil sinipag :) at nag-grocery na rin

Minsan sinisipag din naman ako maglinis, Buong araw ng Biyernes at sabado ay wala kaming ginawa ng aking anak kundi kumain, matulog, maglaro tapos kumain ulit. Sinusulit na namin dahil pag Buwan ng Ramadan ay wala akong pasok ng sabado. Dahil naramdaman ko na dapat naman ay may magawa akong kapakipakinabang ay naisipan kong linisin ang aming refrigerator. Tamang tama at wala ang aking ka share sa ref dahil siya ay nasa bakasyon.  Ito ang kuha ko bago ko linisin.  Magulo at napakaraming laman, na ang iba ay expired na lalo na ang mga nakalagay sa botelya.
Bago ko ayusin.


Pagkatapos kong ayusin

Ayan, makikita na napakalinis na at organisado, pati mga gulay ay aking inalis sa mga plastic at maayos na sinalansan sa ibabang parte ng ref. Napakasarap ng pakiramdam ng ako ay matapos maglinis, parang ang sarap tingnan ang malinis at maayos na tanawin sa tuwing bubuksan ko ang aming refrigerator. :)


Ngayong hapon ay nagpunta din kami ng aking anak sa grocery at namili ng mga pagkain at ibang gamit na panglinis sa katawan. Bumili din kami ng Laundry powder at fabric conditioner.  Ito yung total ng napamili namin. 

Toiletries/ personal care:

Creamsilk Conditioner  9.75
Palmolive Shampoo  11.25
Total :  21 

Household:
Tide powder: 16.50
Downy Fabric Conditioner: 6.75
Total: 23.25

Food:
Banana:    4.85
onion:        1.25
Apple :      5.65
Mazola Butter :  8.75
Minced Beef:  3.00
Hotdog: 5.50
Cheesedog: 6.75
Turkey ham: 13.05
Nuggets: 9.00
Corn oil: 9.75
sliced cheese: 9.50
Bread: 2.75
chicken thigh : 16.00
grapes: 5.00
eggs: 4.50
juice: 1.25
m&m's choco: 9.50
total: 116.05 

Gumastos ako ng 160.30 ngayong araw sa Grocery, Sana ay masunod ko ang Menu Plan ko araw araw, kasama ang baon ng aking anak. Kung maging ok ay magdadagdag na lamang ako ng kaunti para sa susunod na linggo. 


Smile c'',)

No comments:

Post a Comment